WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Sabungero sinaksak sa cockpit arena

SUGATAN ang isang sabungero nang saksakin ng isang lasing na lalaki na kanyang inawat habang nanggugulo sa loob ng sabungan sa Silang, Cavite Lunes ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Estrella Hospital ang biktimang si Mark Kewin Marayag y Batotoy, 34, dahil sa tinamong sugat sa likurang bahagi ng katawan mula sa suspek na si Eduardo Galvez y Velasquez, 53, residente ng Brgy. Sabutan, Silang, Cavite.

Sa ulat, pumasok ang suspek sa Cockpit Arena sa Brgy. Tubuan 3, Silang Cavite at dahil lasing, nanggugulo umano ito sa mga customer kaya tinangka siyang awatin ng ibang mananabong kabilang ang biktima at isang Ferdinand Montoya y Hugo, 52.

Pero hindi nagpaawat ang suspek, naglabas ito ng patalim at sinaksak si Marayag na tinamaan sa likod.

Tinangka rin niyang saksakin si Montoya subalit nakailag ito.

Naaresto ang suspek alas-6:30 kamakalawa ng gabi. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on