Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa Malacañang na agad gumawa ng labor agenda para tugunan ang lumalalang problema sa kita at trabaho ng mga manggagang Pinoy.
“I think it is an urgent matter that we heed the calls of labor groups. Extraordinary ang epekto ng pandemya sa ekonomiya natin. Sa huling Pulse Asia survey, ito din naman ang mga nangungunang alalahanin ng mga kababayan natin. Kailangan na talaga ng seryosong government interventions,” sabi ni Hontiveros.
“Para saan ang all-star economic team ng administrasyon kung more than first 100 days na, wala man lang hirit ng konkreto and kumpletong plano? There must be a comprehensive plan to help workers cope with increasing inflation rates, declining job quality, and persistent unemployment,” dagdag pa niya.
Sa paggunita ng Bonifacio Day, sinuportahan ni Hontiveros ang panawagan ng NAGKAISA Labor Movement para magkaroon ng polisiya na tutugon sa pinakamamahalagang isyung kinakaharap ng mga manggagawa.
Ilan sa panukalang inisyatibo ng grupo ang dagdag sahod at reporma sa wage-setting procedures, public employment program, contractualization, trade union repression at iba pa. (Dindo Matining)