WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Human trafficking lumala sa pekeng airport pass

Hinimok ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga awtoridad sa paliparan na imbestigahan ang tumataas na kaso ng tangkang trafficking na kinasasangkutan ng mga pekeng entry pass.

Ayon kay Tansingco, inatasan niya si BI Port Operations Division (POD) Chief Atty. Carlos Capulong na makipag-ugnayan sa Manila International Airport Authority (MIAA) para humiling ng masusing imbestigasyon sa isyu.

Ito’y matapos maharang ng airport security at pulisya ang tatlong biktima nakaraang buwan. Gumamit umano ang mga biktima ng mga pekeng airport access pass na nagpanggap na empleyado ng iba’t ibang airport concessionaires para makapasok sa boarding gates.

Sa masusing inspeksyon ng airport security, natuklasang peke ang kanilang mga pass. Nadiskubre rin na ang kanilang mga pasaporte at boarding pass ay naglalaman ng mga pekeng Immigration stamp.

Hiniling ni Tansingco ang imbestigasyon matapos na isa pang biktima ang naharang sa paliparan.

Nakatanggap din ang BI ng ulat na noong Nobyembre 16, isa pang babaeng biktima ang naharang ng aviation security personnel. Ang biktima na patungo sa Kuala Lumpur ay nagpakita ng pekeng access pass at nagtangkang pumasok sa entrance ng mga empleyado. Ang kanyang pasaporte at boarding pass ay naglalaman din ng mga pekeng selyo, na aniya, ay ibinigay lamang sa kanya sa labas ng paliparan. (Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on