WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Higit 18K pumasa! St. Paul grad top 1 sa 2022 Nursing Licensure Exam

Nasa 18,529 ang nakapasa sa 2022 Nursing Licensure Examination na isinagawa sa iba’t ibang testing centers sa bansa, katulad na lamang sa lugar ng Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Inaasahan naman na iaanunsyo na lamang ng Professional Regulation Commission (PRC) ang petsa at lugar kung kailan at saan gaganapin ang oath taking ceremony para sa mga bagong nurse ng bansa.

Inanunsyo naman ng PRC ang mga susunod na proseso para sa mga nakapasa sa pagsusulit.

Top 1 si Abigail Garganta Ramirez ng St. Paul University-Dumaguete na nakukuha ng 90%; 2nd sina Jezrel Cabasis Alijid, 89.80% ng West Visayas State University at Melchor Flores Pimentel Jr., Saint Louis University at anim ang nagtabla sa 3rd place.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on