WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Dalaga initak ng kaaway ni ermat

Sugatan ang isang dalaga nang tagain ng ginang na kagalit ng ina ng una sa Navotas City, kamakalawa.

Unang isinugod sa Tondo Medical Center bago inilipat sa National Orthopedic Hospital si Tricia Mae Lim, 22, naninirahan sa Angeles Daungan 4, San Roque ng nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng malalim na sugat sa kanang kamay at kinakailangang sementuhin para hindi maging baldado.

Kaagad namang nadakip ng mga tauhan ng Sub-Station 2 (SS-2) ang suspek na si Ruby Acuna, 47, ng 1204 Naval St., Barangay San Roque, Navotas City.

Kwento ng witness na si Olive Rontalo, 45, nakita pa niya na nagkakasagutan si Acuna at ang nanay ni Lim alas-8:30 ng gabi sa Angeles Daungan 4, Barangay San Roque.

Pinuntahan ng saksi ang biktima at sinabing napapaaway ang ina nito kaya dagliang umawat.

Doon lalong nagalit ang suspek at umuwi ng bahay para kumuha ng itak saka tinaga ang biktima.

Tumawag ng pulis ang kanilang mga kapitbahay saan inabutan pa ng mga awtoridad si Acuna na hawak ang jungle bolo na may habang 22 pulgada at inaresto na ito.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong isasampa sa suspek. (Orly Barcala)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on