WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

BSP: Maraming Pinoy lumobo utang

Dumami ang utang ng mga tao ng 22.6% nitong Oktubre sa kabila ng pagtaas ng interest rates.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa P987.1 bilyon na ang tinatawag na consumer loans nung Oktubre mula sa P805.4 bilyon noong Oktubre 2021. Mga credit card loan, auto loans, motorcycle loan at salary loan ang tinuturing na consumer loans o pautang sa mga tao.

Pinakamalaki ang sirit ng salary loans na lumago ng 63% na umabot na sa P122.2 bilyon noong Oktubre mula sa P75.1 bilyon nung Oktubre 2021.

Malaki rin ang ikinalago ng credit card loans na umaabot na sa P521.6 bilyon, mas malaki ng 27% kumpara sa P411.4 bilyon nung nakaraang taon.

Mga salary loan at credit card loan ang nagsisilbing pangtawid gastos ng mga tao ‘pag kinukulang ng pangtustos sa mga bilihin.

Maliit naman ang nilago ng mga motor vehicle loan kung saan kasama ang car loans at motorcycle loans. Ayon sa BSP, lumago ng 7% lamang ang motor vehicle loans sa P325.5 bilyon mula sa P305.4 bilyon noong Oktubre 2021. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on