WebClick Tracer

Saturday, February 4, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Antonelle Berthe Racasa kakasa sa Auckland chess

SUSULONG ng piyesa si Woman National Master Antonelle Berthe Murillo Racasa sa 2023 Bob Wade Masters and Challengers sa Howick Community Church Complex sa Auckland, New Zealand sa Enero 13-21 sa susunod na taon.

Ang 15-anyos na chess wizard at may ELO rating na 1504 ay seventh seed sa kanyang dibisyon sa naturang kompetisyon.

Naimbitahan din si Roberto Manggaran Racasa, ama ni Antonelle Berthe, ni New Zealand Vice President Paul Spiller na maging bahagi sa mga arbiter.

Bukod kay Antonelle, lalahok din sa torneo sina Grandmaster Joey Antonio at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr. (Abante Sports)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on