WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Magdyowang sosyo sa shabu sabay nakalaboso

Magkasama sa pagbebenta ng iligal na droga, magkasama pa rin sa kulungan ang magdyowang bagitong tulak ng shabu matapos silang madakip sa buy bust operation sa Navotas City kamakalawa.

Sina Daisy Orinio, 26, taga-Barangay 101 Zone 8 at Emerson Claudio, 47, ng Barangay 281 Zone 30, Manila, ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2020.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit ng Navotas Police, alas-10:30 ng gabi, nagkasa sila ng buy bust operation sa Dalagang Bukid Street, Barangay NBBS, Dagat-Dagatan.

Isa sa mga parak ang nagkunwaring buyer ng shabu at umiskor ng P300. Nang magka-abutan doon na pinosasan ang mag-pakner.

Nasamsam sa magpartner ang 4 gramo ng shabu na may market price na P27K. (Orly Barcala)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on