WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Alexa, KD nakamamatay ‘landian’ sa YouTube

KD, ALexa

Nagpaulan ng tamis, cuteness ang magdyowang Alexa Ilacad, KD Estrada sa YouTube channel ng aktres, kung saan binigyan ng challenge ng una ang huli na make-up-an siya.

Sabi nga, nakakamatay ang landian, harutan nila, ha!

Sa umpisa pa lang ng video maaliw na ang mga manonood dahil nag-aalangan si KD sa gagawin. Walang kaalam-alam ang young actor sa kung ano ang gagamitin na make-up at paano ang tamang paglalagay nito sa mukha.

Walang kaduda-dudang haling na haling si KD sa mukha ni Alexa. Ilang ulit niyang sinabing “You are so beautiful”, kaya natatakot itong dumihan ang mukha ng girlfriend.

Tanong pa ni KD, mamahalin pa ba siya ni Alexa kung panget ang magiging resulta ng make-up nito sa kanya?

Sumagot naman si Alexa na, “I will still love you.”

Kaloka lang na mukhang naghahalikan na sila sa video na `yon, ha! Halos magkadikit kasi ang mga labi nila, sa tingin ko.

Hinihintay na lang ng mga manonood na biglang halikan ni KD si Alexa, na parang naga-abang ang huli na gawin ito sa kanya.

Punung-puno ng pagpapa-cute si Alexa sa episode na ito na parang bata at pagi-ingles kay KD. (Rey Pumaloy)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on