WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante KARTADA

Pampasuwerte! Cong nilamas boylet sa casino

Sino raw itong miyembro ng Mababang Kapulungan Kongreso ang nagbababad sa casino?

Naispatan daw ng ilang sugarol na Marites itong si congressman na nasa loob ng isang casino.

Mahilig sa numero itong si congressman pero hindi siya math genius na kayang magbilang ng mga numero sa mga nakataob na baraha.

Ang paborito nitong laruin, ang slot machine sa casino.

Pero habang naglalaro ang kanang kamay nitong si congressman, naglalaro rin ang kaliwang kamay niya.

Kasama niya pala sa casino ang boylet niya na halos triple ang agwat ng kanilang edad.

Feeling niya ay lucky charm niya sa pagsusugal si boylet dahil habang humahagod ito sa slot machine, humahagod din ang kanyang kamay sa palad ng binatilyo.

Pero tulad nga ng kasabihan na kapag suwerte ka sa pag-ibig, malas ka sa sugal. Hayun! Olats si congressman sa paglalaro sa slot machine.

Hindi naman ramdam ni congressman ang pagkatalo dahil winner naman siya sa paglamas ng kamay ng boylet.

Clue. Si congressman ay kilalang balimbing pero hindi guwapo dahil noong magpaulan ng kaguwapuhan ang Diyos, langka ang sinalo ng kanyang mukha.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on