Kung martial arts ang pag-uusapan, isa ang pencak silat sa mga nakakakuha ng medalya para sa ‘Pinas dahil sa galing ng mga atleta.
Nito lang Mayo sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nakakopo ang mga atleta ng medalya kasunod pa sa Asian Pencak Silat Championships sa India.
Isang linggo pang lang ang nakakalipas, humakot din ang mga manlalaro ng Philsilat Sports Association, Inc. ng apat na medalya sa 8th PSC Women’s Martial Arts Festival sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.
Isa sa naka-SEA Games gold si Mary Francine Padios.
“Sa kalaban ko at ako, pare-pareho lang galaw namin. ‘Yung kaibahan lang is the way namin gawin yung art. Kung saan puwede maging matigas, puwedeng malambot. Depende sa amin ‘yun na artist. At the same time, nagkakaiba kami ng way to deliver strikes,” pahayag ni Padios nitong Sabado.
Umaasa siya na mas makikilala pa ang sport at darami ang atetang sumunod sa yapak niya. (Annie Abad)