WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

‘Love’ naka-P15M: Donny, Belle dinumog sa S’pore

Grabe naman ang pagsalubong ng mga Pinoy sa Singapore kina Donny Pangilinan, Belle Mariano, ha! Makikita mo nga ang mga video na dagsa talaga ang mga kababayan natin makita lang ang dalawa.

Punong-puno nga ang Golden Village Suntec Cinema na pinagdausan ng screening.

At siyempre, tungkol pa rin `yon sa pelikula nilang ‘An Inconvenient Love’ na patuloy na bumebenta sa takilya.

Ang bongga nga ng kinita ng movie nila, na umabot na sa P15.1M, ha! Aba, super laki na `yon sa panahon ngayon, lalo na at marami pa ring tao ang nag-aalangan na magpunta sa mga sinehan.

Pero, ang mga fan ng dalawa, hindi nangiming sumugod sa mga sinehan maiparamdam lang ang pagmamahal sa kanila.

Siyempre, tuwang-tuwa ang DonBelle sa achievement na ito nila.

“Hi so proud of you!” sabi ni Donny kay Belle.

“That’s my bestfriend,” sabi naman ni Belle kay Donny.

Ay, bestfriend lang ba talaga?

Anyway, dahil Sunday nga ay inaasahan pa ang pagbugso ng mga fan sa mga sinehan para suportahan ang kanilang mga idolo.

Pakiusap lang ng mga fan na huwag ikumpara ang DonBelle sa KathNiel, dahil ang KathNiel nga raw, dumaan muna sa maraming pelikula bago nila naabot ang tagumpay.

Ang DonBelle, remember, pandemic lang talaga nabuo ang kanilang love team, kaya please lang daw, huwag silang ikumpara. (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on