WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Kylian Mbaappe, France pasok sa World Cup L16

ITINULAK ng late goal ni star forward Kylian Mbappe ang France sa 2-1 win kontra Denmark nitong Sabado sa Doha, Qatar.

Buwenamanong bumiyahe sa knockout stage ang France, unang defending champions din ang Les Bleus na nakalusot sa round of 16 ng FIFA World Cup pagkatapos ng Brazil noong 2006.

Natapos ang first half na 0-0, nilagay ni Mbappe ang France sa 1-0 sa 61st minute bago muling ibinaon ang winner gamit ang kanang hita sa 86th.

Nakipagpalitan ng pasa si Mbappe kay Theo Hernandez bandang kaliwa bago pinagulong ang bola paalpas kay Denmark goalkeeper Kasper Schmeichel para sa first goal.

Makalipas ang pitong minuto, tumabla ang Denmark sa header ni Andreas Christensen pero muling nakawala si Mbappe, tumalon para giyahan sa net ang winning goal mula sa cross ni Antoine Griez. (Vladi Eduarte)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on