WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Kim ng North Korea ambisyon pinakamalakas na armas nukleyar

Ambisyon ni North Korean leader Kim Jong Un na magkaroon ng pinakamalakas na armas nukleyar ang kanilang bansa.

Inihayag ito ni Kim kasabay ng paglulunsad ng North Korea ng pinakabago nitong intercontinental ballisitic missile (ICBM) sa isang seremonya na kanyang dinaluhan kasama ang anak na babae.

Base sa ulat ng North Korean state media, tinawag ni Kim ang bago nilang ICBM na pinakamalakas na armas sa buong mundo.

Inihayag pa diumano ni Kim na proteksyon sa kanilang bansa ang itinatayong arsenal ng pinakamalakas na armas nukleyar na ngayon pa lamang makikita sa buong mundo.

Samantala, ito rin ang unang pagkakataon na ipinakitang may bata pang anak na babae ang North Korean leader.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on