WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Kaso ng hand, foot and mouth disease lumala

Nakapagtala umano ng may 541 kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Albay nitong Nobyembre 15 hanggang 25.

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, ang kaso ng HFMD ay naitala sa 10 bayan at dalawang siyudad sa Albay.

Nalaman na ang munisipalidad ng Oas, ang naitalang may pinakamataas na kaso na umabot sa 162 na sinundan ng Legazpi City at Guinobatan.

Nabatid na mayorya nang dinapuan ng HFMD ay mga batang nasa edad 1 hanggang 10.

Sinisimulan na rin ng Provincial Hospital Office – sanitary services ang disinfection sa komunidad.

Kabilang sa sintomas ng HFMD ang lagnat at rashes.

Pinaalalahanan rin ng Health officials ang mga nakararanas ng sintomas na manatili sa bahay upang maiwasan na makahawa.

Dapat ding panatilihin ang tamang hygiene, laging maligo at maghugas ng kamay. (Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on