WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Johnny Arcilla, Ronard Joven papalo sa Brookside netfest

ASINTA ni multi-titled Johnny Arcilla ang Open crown na idagdag sa kanyang kolekyon ng tropeo sa pagharap sa mga gutom na karibal sa pagsambulat ng Brookside Open National Tennis Championships bukas (Nov. 29) sa Brookside Hills courts sa Cainta, Rizal.

Aktuwal nang sinimulan ang hostilidad linggo sa paghambalos ng two-day qualifiers upang maasikaso ang malaking bilang ng players na papalo sa Group A tournament na rarampahan din nina Ronard Joven, Jose Maria Pague, Vicente Anasta, Charles Kinaadman, Ronard, Zion Guia, John Tomacruz at Noel Damian Jr.

Kakaragasa lang ni Arcilla sa Puerto Princesa Open, dito’y tinagpas si doubles partner Joven, at sa Pintaflores Festival Open, na kinopo rin niya nang magretiro si Pague sanhi ng injury.

Pero kakasa si Pague, 22, ng Zamboanga Sibugay, sa linggong ito, na mga iisponsoran ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala, Rep. Jack Duavit, BHTC president Allan del Castillo, Ret. PNP Dir. Gen. Oscar Calderon, Ret. Gen. Louizo Ticman at Selective Security Services, na nasa hustong porma na pagkasungkit ng singles at doubles titles sa Buglasan Open nitong Oktubre.

Kumpiyansa rin si Kinaadman, 24, na sinilat si Arcilla sa semifinals patungo sa pamamayagpag sa Gov. Edwin Jubahib Cup sa Davao del Norte noong September.

Na nagbukas sa rambol para sa titulo na may ilang pasikat na mga junior netter kasama ang mga qualifier at wild card entry na mga atat ibalandra ang kanilang kakayahan sa matagal nang naghahanap ng mga talentong netfest na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Pagrarambulan din ang men’s doubles, pangungunahan nina John Altiche-Anasta, Arcilla-Joven, Kinaadman-Pague, Nilo Ledama-Damian, Rash Manatad-Alberto Villamor, at Marc Jarata-Exequiel Jucutan.

Kasabayang pumapalo ng PPS Brookside Open, ang Group I tournament na may walong age-group category.

Ang susunod na Open tournament ng circuit, na mga suportado ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating), ay ang Zentro Open sa Dec. 6-12 sa Zentro Recreational Tennis Court sa Apalit, Pampanga.

Sa mga detalye pa, kontakin si event organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Ramil Cruz)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on