WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Gobyerno kapos ng P1.11 trilyon sa pondo

Umaabot na sa P433.16 bilyon ang ginastos ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sa pagbayad lamang ng utang, higit doble ng budget ng Department of Social Work and Development ngayong taon.

Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), P387.93 bilyon ang kabuuang ginastos ng pamahalaan nitong Oktubre at P33.18 bilyon ang gastos para sa interest payments.

Samantala, ang kita ng pamahalaan ay nasa P288.87 bilyon at short ito ng P99.06 bilyon para matustusan ang lahat ng gastusin kaya’t kinailangan nitong mangutang.

Ayon sa BTr, ang budget deficit ng pamahalaan mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon, o ang short nito, ay umaabot na sa P1.11 trilyon. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on