WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Dating pari pinompyang 2 bebot sa altar

Naghain ng guilty plea ang isang dating paring Katoliko sa kasong kahalayan matapos siyang maaktuhang nakikipagtalik sa dalawang babae sa altar.

Nangyari ang “threesome” nila sa isang simbahan sa US state na Louisiana para umano sa sex tape.

Sa report ng FOX8 News Orleans, kinilala ang pari na si Travis Clark, 39.

Matapos ang inihain niyang guilty plea, pinatawan si Clark ng suspended three-year sentence at tatlong taong supervised probation.

Nagbayad din si Clark ng $8,000 o P450,000 sa Archdiocese of New Orleans para sa altar kung saan sila nag-sex matapos itong ideklarang “desecrated” at iutos na sunugin.

Samantala, umamin naman ang dalawang babaeng nakatalik niya na sina Melissa Cheng, 30, at Mindy Dixon, 43, sa institutional vandalism noong July at sinentensiyahan ng probation.

Ayon sa ulat, isang concerned citizen na napadaan sa Saints Peter and Paul Catholic Church noong Setyembre 2020 ang nakakita mula sa bintana ng pakikipag-threesome ng dating pari.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang tape recorder, mga sex toy at stage light. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on