Nagbabala ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko laban sa mga naglalabasang mga pekeng crypto investment lalo na ngayong Holiday Season.
Sa pahayag, sinabi ni PNP-ACG Director Brig. Gen. Joel Doria na ang online scammers ay naghahanap na ng mga pamamaraan para makulimbat pera ng publiko at ilang araw bago ang Pasko at mga empleyadong nagsisimula nang tumanggap ng Christmas bonus.
Sinabi pa ni Doria na maraming Pinoy ang nais mag-explore o sumubok sa crypto investments, pero may natatanggap silang ulat ng mga scammer na gumagawa ng pekeng crypto investments Sa dashboard ng apps, ang account holders ay makikita kung gaano kabilis lalago o lumalago ang pera.
Pero kapag kukuhanin na ay hindi nila ito ma-withdraw na ibig sabihin ay biktima na ng crypto investment scam. (Kiko Cueto)