Sumiklab ang mga kilos protesta sa China laban sa ipinatutupad na zero-COVID policy na isa sa sinisisi diumano sa insidente ng sunog kung saan nasa 10 katao ang nasawi.
Nagkaroon ng mga protesta sa Beijing at Shanghai kung saan sumisigaw pa angga raliyista ng panawagang bimaba sa puwesto si Chinese President Xi Jinping.
Kumalat din sa social media ang mga video ng kilos protesta.
Ayon pa sa mga ulat, posibleng nagpasiklab sa kilos protesta ang nangyaring sunog sa Xinjiang region kung saan 10 katao ang nasawi at may ilan pang sugatan.
Sinasabing atrasado ang pagresponde ng mga bumbero sa naganap na sunog dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng lockdown na layong pigilan amg pagkalat ng COVID-19 sa China.