WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Blu Boys inungusan ng USA sa Softball World Cup

HINDI nakumpleto ng Philippine Blu Boys ang mahigpit na labanan sa paghagis ng bola na naging sanhi ng 1-0 talo laban sa United States sa pag-uumpisa nitong Sabado ng 17th WBSC Men’s Softball World Cup sa Auckland, New Zealand.

Isang ligaw na pitch ni Leo Barredo ang nagpahina sa malakas na simula ng Blu Boys kung saan nagdulot na mapuno ang apat na base sa torneo sa Rosedale Park.

Pinatalsik ni Barredo ang walong batter sa halos kumpletong pagbato bago ang paghagis na nagpa-home plate kay Nicholas Ryan Mullins lower half ng third frame.

Ang defending champion Argentinian ang makakalaban ng mga Pinoy sa Linggo. Kagrupo rin ng ‘Pinas ang host country, Cuba at Czech Republic. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on