WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Tricycle, van nagsalpukan; 6 nadale

Isa ang patay habang lima ang malubhang nasugatan sa salpukan ng tricycle at isang fish delivery na van sa Maharlika Highway Brgy. Villa Padua Gumaca, Quezon nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Gumaca police, magkakapamilya ang sakay ng nasalpok na tricycle.

Kinilala ang nasawi na si Victorino Delos Santos Calvelo, 70, isa sa mga pasahero ng tricycle na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Apat pang sakay ng tricycle ang sugatan kabilang ang isang 2-taong gulang na batang lalaki.
Kinilala ang mga ito na sina Aileen Amolar Villapando, 35; Senen Delos Santos Amolar, 69; Jacinto Valderama Huin, 49; at ang batang menor de edad.

Sugatan din ang driver ng tricycle na si Jose Amolar, 58.

Ayon sa report, sinalpok ng van ang tricycle sa kurbadang bahagi ng highway matapos nitong sakupin ang linya ng kasalubong alas-tres ng hapon.

Agad isinugod ng sumaklolong mga tauhan ng Gumaca MDRRMO, Rescue KALASAG at Gumaca BFP ang mga biktima sa ospital.

Kinostudya naman ng Gumaca police ang driver ng van na si Jeremie Masayon, 37, taga-Tanauan, Batangas, na nahaharap ngayon sa kaso. (Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on