WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

P10M marijuana binunot, sinunog

Umaabot sa P10 milyon halaga ng fully grown marijuana ang binunot at sinunog na pinangunahan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) matapos ang ginawang pagsalakay sa tinatayang nasa 5,000 metro kuwadradong plantasyon nito kamakalawa sa Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PDEG Director Police Brig. Gen. Narciso Domingo, alas-sais ng umaga nitong Biyernes nang kanilang salakayin ang plantasyon ng marijuana kasama ang 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Command, Tinglayan Municipal Police Station at iba pang unit ng pulisya sa mabundok na bahagi ng Barangay Tulgao West sa bisinidad ng Whaturay, Tinglawan ng nasabing lalawigan.

Bagamat walang nahuling suspek ay binunot ng pulisya ang tinatayang aabot sa 50,000 piraso ng full grown marijuana na aabot sa P10 milyon.

Matapos itong bunutin ay sinunog ito ng pulisya upang hindi na mapakinabangan.

Pinuri naman ni Domingo ang kanyang mga tauhan gayundin ang iba pang unit ng kapulisan sa Police Regional Office (PRO) Cordillera dahil sa walang humpay na kampanya kontra iligal na droga sa kanilang nasasakupan. (Edwin Balasa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on