WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Konsehal tinodas sa barangay hall

PINAGHAHANAP ng pulisya ang riding in tandem na suspek sa pamamaril at pagkamatay ng isang Barangay Councilor sa harapan mismo ng barangay hall sa Bacoor City, Cavite Biyernes ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Angel Ventura Tamayo, nasa wastong edad, Bgy Councilor ng Brgy. Sineguelasan, Bacoor City.

Inilarawan ang mga suspek na naka-bullcap at magkaangkas sa motorsiklo.

Sa ulat ni PSSgt Eugene De Leon, ng Bacoor City Police, alas-5:50 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa harapan ng Brgy hall ng Brgy Sineguelasan, Bacoor City Cavite.

Habang kausap ng biktima ang kanyang Brgy Secretary na si John Paul Tulayba Grande, 38, ay biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo habang ang biktima ay dinala sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Tumanggi pa ang mga imbestigador na sabihin ang pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa pamamaril upang umano’y hindi madiskaril ang kanilang ginagawang imbestigasyon. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on