WebClick Tracer

Wednesday, February 8, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Alfamart hinoldap ng 4 nagpanggap na kostumer

PINAGHAHANAP ng pulisya ang apat na di nakilalang armadong kalalakihan na pumasok at tumangay ng mahigit P30,000 cash at cellphone sa isang kilalang convenience store sa Imus City, Cavite Biyernes ng madaling araw.

Maliban sa apat na binanggit na armadong suspek, hindi mailarawan ang mga ito ng mga crew ng Alfamart na sina Edmark Ebol, ng 121 Brgy. Pag Asa 1, Imus Cavite at Kim Ortega y Sotto ng Dream Ville 5, Brgy. Carsadang Bago 2, Imus Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt Luis Divina, ng Imus City Police, alas-2:40 Biyernes ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek na nagkunwaring mga customer sa Alfamart sa Advincula Ave., Brgy Alapan 2, Imus City.

Nang nasa loob na, isa sa suspek ang naglabas ng hindi nabatid na kalibre ng baril, tinutukan ang crew at pinuntirya ang vault habang ang tatlong armadong kasamahan nito ay nagsilbing look-out.

Tinangay ang mahigit P30K cash sa vault pati ang apat na cellular phones saka mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo na nagsilbing get-away vehicle ng mga ito.

Pinag-aaralan ang kuha sa CCTV footages para sa pagkakakilanlan sa mga suspek. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on