WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

100 taga-Cagayan, Kalinga sapol ng amoebiasis

PUMALO sa mahigit kumulang 100 residente sa Cagayan at Kalinga ang tinamaan ng iba’t ibang sintomas ng impeksyon na may kaugnayan sa “amoebiasis” sa loob lamang ng ilang linggo.

Ayon kay Cagayan Provincial Health Office (CPHO) officer Dr. Carlos Cortina III, na-admit ang mga pasyenteng may amoebiasis noong nakaraan linggo hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Cortina III, karamihan sa mga pasyente ay mga bata mula Allacapan, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Gattaran, Lal-lo, at Lasam, pawang nasa Cagayan, at karatig bayan sa Kalinga.

Anang opisyal, nagsimulang nagkasakit ang mga biktima matapos ang sunud-sunod na mga bagyo na humagupit sa Hilagang Luzon sa nakalipas na dalawang buwan.

Dito, hinimok ni Cortina ang mga residente na siguraduhing malinis at ligtas ang kanilng mga pagkain at iniinom na tubig.

Samantala, lumabas din sa laboratory test na ang mga pasyente ay positibo sa amoebiasis, isang sakit na dulot ng maliit na parasite na “Entamoeba histolytica” na kumakalat sa pamamagitan ng dumi ng tao at kasama sa mga sintomas nito ang pagtatae, pagduduwal, at pagbaba ng timbang.

Sa ngayon, ayon kay Cortina III, nagsasagawa na karagdagan pang lab test para matiyak na ang sakit ay hindi kolera, na naunang kumitil sa buhay ng apat na tao sa lalawigan ng Aurora. (Allan Bergonia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on