WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Nanumpa na! Ibrahim bagong Prime Minister ng Malaysia

Ibrahim

Pormal nang nanumpa si Anwar Ibrahim bilang bagong talagang prime minister ng Malaysia.

Ang kilala at beteranong opposition leader ay nanumpa nitongHuwebes sa harap mismo ni King Abdullah ng Malaysia.

Bago tuluyang nailuklok ay 25-taon ding nakibaka sa kanilang gobyerno si Ibrahim kung saan nakulong pa ito ng dalawang beses.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay nakuha ng Pakatan Harapan (PH) party, na siyang partido ni Anwar, ang mayorya ng upuan sa kongreso kaya ito nakaiskor at naungusan ang katunggaling Partido na UMNO.

Nakapokus ito sa ekonomiya at target na labanan ang korapsyon. Bukod dito ay nangako siyang hindi aniya niya tatanggapin ang kanyang sahod bilang prime minister.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on