WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Mga Badjao P5K kada araw kita sa Metro Manila – Tulfo

Di biro ang naiuuwing pera sa bulsa ng mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila dahil higit na mas malaki raw ang kinikita ng mga ito sa mga minimum wage earner.

Ayon ito kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Erwin Tulfo.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tulfo na abot umano sa P5,000 kada araw ang kinikita ng mga namamalimos na Badjao sa Metro Manila.

“We found out base sa social worker namin sa interview, kumikita sila ng parang 5,000 pesos per day,” lahad ni Tulfo.

Ngunit mukhang hindi naman napupunta sa kanila ang kabuuan ng pera.

Ito’y dahil may mga financier daw na nagbabayad ng pamasahe ng mga Badjao patungong Maynila.

Tinitingnan ang posibilidad na may sindikatong nasa likod ng pagluwas ng mga Badjao sa Metro Manila.

Ayon kay Tulfo, abot sa 100 na Badjao na ang kanilang ni-rescue at pababalikin sa kanilang probinsya.

Bibigyan sila ng P10,000 para makapagsimula ng kanilang hanap-buhay.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on