WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Coco, Julia Japan trip binuking ni Fumiya

Coco, Julia, Fumiya

Daming kinilig sa photo ni Fumiya Sankai (Pinoy Big Brother) dahil kasama nga niya sina Coco Martin, Julia Montes, ha!

“Long time no see po,” caption ni Fumiya sa naturang photo, na makikita ngang todo ngiti sina Coco, Julia.

Actually, Nov. 13 pa unang lumabas ang photo na yon, pero dahil matagal ngang nawala si Fumiya sa Pilipinas, at naka-base nasiya sa Japan ulit, kaya ngayon lang halos nasilip ng mga fan ang photo nayon.

Walang idea kung kailan kinunan ang photo. Kung ngayong November lang ba `yon?

Wala kasing nakatunog na umalis sina Coco at Julia pa-Japan. Usually kasi, kapag nagta-travel ang dalawa, agad-agad na kumakalat ang mga photo nila, sa airport pa lang ng Pilipinas.

Pero, feeling ng marami ay sa Japan nga kinunan ang photo na `yon.

Si Julia kasi ay hindi naman aktibo sa Instagram, at hinding-hindi siya nagpu-post ng mga personal na eksena sa buhay niya. Ang mga post niya puro tungkol sa trabaho.

Si Coco Martin ay ganun din. Katunayan, ang promo na ng pelikula nila ni Jodi Sta. Maria na ‘Labyu with Accent’ ang makikita sa IG niya, ha!

Well, dahil sa photo na `yon, naging masaya ang mga fan ng CocoJul, ha! (Rb Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on