WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Antipolenyo nakatanggap na ng pamasko

Sinimulan na ng Antipolo City LGU ang pamamahagi ng Christmas Food Package sa lahat ng mga Antipolenyo.

Kabilang sa namahagi si dating Antipolo City Mayor Andeng Ynares at bawat bahay ay makakatanggap ng spaghetti package na kinabibilangan ng Spaghetti Set, mga de lata, kape, palaman at asukal.

Sinabi naman ni Mayor Jun Ynares na hindi na kailangang mag-unahan ang mga Antipolenyo dahil hanggang December 15 ang pamamahagi ng food packs. Inaanunsyo naman aniya ng bawat barangay ang pamamahagi at schedule sa kada sitio, kada purok, kada subdivision, at iba pa.

Maari din na tignan ang mga official Facebook pages ng mga barangay para makita ang schedules sa bawat lugar.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on