WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Rider sumabit sa dyip, naputol paa

Naputulan ng kanang paa ang isang rider nang sumabit ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakahintong pampasaherong dyip sa national highway sa Barangay Bugtong na Pulo, Lipa City, Batangas kamakailan.

Kinilala ng Lipa Police ang biktima na si Frederick An, 30-anyos, taga-Barangay Sto. Niño, Taysan, Batangas.

Ayon sa report ng Lipa City police, nakahinto ang dyip malapit sa gilid ng highway at magmamaniobra sanang pabalik subalit ng parating na ang motorsiklo ay umabante itong patungo sa gitna ng kalsada.

Dahil dito sumabit ang motorsiklo at tumama ang binti ng biktima sa bumper.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nakatakbo pa ang motorsiklo ng ilang metro na tila walang nangyari.

Subalit nang huminto ang motorsiklo, doon na natumba ang rider at nawalan ng malay.

Nagulat naman ang back ride na si Gigi Familara ng makitang putol na pala ang paa ng biktima na naiwan hindi kalayuan sa kanilang hinintuan.

Tumakas naman ang drayber ng dyip na hindi rin nakuhanan ng plate number.

Isinugod ng mga rumespondeng opisyal ng barangay sa ospital ang biktima. (Ronilo Dagos)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on