WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Pinoy boxer Ronel Suyom uupakan gold sa IBA Youth

SIGURADO na sa silver medal ang nalalabing Pilipinong boksingerong si Ronel Suyom nang pataubin ang crowd-favorite na si Rafael Lorenzo ng Spain sa bisa ng unanimous decision sa semifinal round ng men’s minimumweight sa IBA Youth World Boxing Championships sa Cuidad Deportiva Camilo Cano Arena sa La Nucia, Spain.

Nakuha ng 17-anyos mula Butuan City ang 5-0 desisyon mula sa apat na huradong sina Paul MacMahon ng Ireland, Sultan Alwali ng UAE, Roberto Servide ng Argentina at Alisher Altayev ng Kazakhstan, habang nakita naman ng taga-Belgium na si Felice Pompilli ang 29-28 na iskor.

Nagamit ni Soyum ang kanyang bentahe sa tangkad na sinabayan ng bilis upang gapiin ang Spaniard sa tatlong round.

Sunod niyang makakalaban si Youth Asian Boxing Championships 48kgs gold medalist Vishvanath Suresh ng India sa final round, nagwagi ito kontra Juanma Lopez De Jesus ng Puerto Rico sa hiwalay na semifinal bout. (Gerard Arce)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on