WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Kumot sa Japan mala-balahibo ng pusa

Kung cat lover ka, aba tiyak na magugustuhan mo ang bagong produktong ito! Kamakailan lang ini-launch ng isang clothing at houseware na kompanya sa Japan ang kumot na mala-balahibo ng pusa ang pakiramdam

Ang kumot na ito ay tinawag na, “Neko Feel”.

Ayon sa Nissen Company, ang goal umano ng kanilang produkto ay maglabas ng isang blanket na kung saan kapag hinawakan mo ito ay tila humahaplos ka lang ng pusa lalo na sa mga walang kakayahan na mag-alaga nito.

Bukod dito, nagsagawa rin sila ng isang survey at napag-alaman nila na malaking porsyento ng kanilang nakalap ang matagal nang nangangarap mag-alaga ng pusa subalit hindi ito magawa dahil sa dalawang rason. Una, ay dahil allergic sila sa balahibo nito. At pangalawa naman ay ‘di ito pinapayagan ng inuupahan nilang apartment.

Sa usapang presyo naman, nagkakahalaga ito depende sa sukat. 1,969 Yen o nasa P796 para sa single size at 6,038 Yen o nasa P2,443 naman para sa double size ng naturang kumot.

Available ito sa kulay na Russian Blue (gray) at Scottish Fold (beige).

Pagkaraang mailabas ito sa publiko, ‘di inasahan ng kompanya ang dagsa ng mga tao para bumili ng kanilang produkto.

Sa kasalukuyan, sold out na ang unang batch ng Neko feel maging ang pre-order para sa second batch. Kaya naman sa ngayon, ipinoproseso pa nila ito bago magrestock muli.

Talaga namang mapapa-meow ka sa produktong ito. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on