WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Kilalanin: Tattoo artist noon, realistic miniature artist ngayon

Sabi nila, tayo raw ang gagawa ng sarili nating tadhana at kinabukasan. Gaya na lamang ng kwento ng isang kelot na ngayon ay natagpuan na ang bago niyang passion at pangarap.

Siya si Nhoda Muñoz, isang artist mula sa Mabalacat, Pampanga. Kamakailan lang ay nag-post siya ng video kung saan pinapakita niya ang isa niyang obra na realistic miniature o diorama.

Makikita rito ang tila tipikal na itsura ng tindahan, ihaw-ihaw, bubong, pintuan, at marami pang iba na animo’y makatotohanan talaga.

Si Nhoda ay isang full-time tattoo artist bago pumutok ang pandemya. Nagresulta ito sa kawalan ng kanyang mga kliyente at daloy ng kita. Bukod dito, nakaranas din umano siya ng matinding depresyon dahil sa sunod-sunod na lockdown at quarantine.

Noong Disyembre 2020 naman niya naisipang simulan ang paggawa ng simpleng diorama bunsod na rin ng pagkakakulong lang sa bahay at pagkamiss niya sa buhay pagkabata.

Ngayon, ibinibida ni Nhoda ang mala-world class sa lupet niyang mga sining sa kanyang Facebook na ‘Nhoda’s Crafts’, Youtube Channel na ‘Nhoda Muñoz’, at sa kanyang Instagram/Tiktok account na ‘@Nhoda.m’.

“Di naman ako nalalayo sa dating ako, siguro nadadagdagan lang yung mga kakayahan ko o yung kwento ko sa mundo ng sining na pinasok ko,” sambit niya sa video.

Pumalo na sa higit 4 milyong views ang kanyang post. Nakatanggap din siya ng samu’t saring puri mula sa mga netizen.

Para kay Ruby Paragat, aniya, “Grabe ang galing!!! Ang hirap nyan… full details talaga kitang kita.. wow n wow talaga. Sana makabili ako ng work of art mo kahit maliit lang congrats.”

“Soo inspiring ka naman at sobrang unbelievable,such a great artwork! Congratulation po,” hirit naman ni Miko Dezu.

Bukod dito, may iniwan din siyang mensahe at advice sa huling parte ng video, sabi niya, “Kadalasan yung plano ng Diyos ay mas maganda kaysa sa plano mo.”

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on