WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Justin Delos Santos nakisawsaw sa 3rd

ISINALPAK ni Justin Delos Santos ang anim na birdie laban sa isang bogey para sa five-under par 67 (32-35), samantalang limang birdie at isang bogey si 2020+1 Tokyo Olympian Juvic Pagunsan para mag-68 sa desenteng simula ng mga pambato ng ‘Pinas sa ¥200M (P80.6M) 41st Casio World Open Golf Tournament Huwebes ng hapon sa Kochi Kuroshio Country Club sa Kochi, Japan.

Ang senaryo’y nagtulak kay Fil-Am Delos Santos sa 14 na magkakabuhol para sa pangatlong puwesto tapos ng 18 butas, tatlong palo lang ang agwat kay solo leader Cham Kim ng United States (64) na abante ng two-stroke kay local bet Aguri Iwasaki (66).

Dehins nagpahuli si Negrense Pagunsan na contender din sa titulo sa pagtabla sa 13 nasa pang-17 puwesto sa 108-player, 72-hole, 4-day golfest na nagsisilbing 25th at penultimate leg ng 49th Japan Golf Tour 2022.

Puntirya ni Delos Santos na higitan ang pagsalo sa pang-63 puwesto sa 2021 World Open Golf sa pangalawang sabak, habang si Pagunsan ang pagsablay sa cut (pagsalo sa pang-92) tapos na pumang-64 sa mintis din sa weekend play noong 2019. (Ramil Cruz)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on