WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Fetus tinapon sa bangketa

Buo na ang katawan at hinihinalang nasa anim hanggang 8 buwan gulang na ang fetus na natagpuan ng isang volunteer street sweeper sa Liwasang Bonifacio malapit sa MacArthur Bridge, Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ni Corporal Jamie Balang ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:25 ng umaga nang makita ng street sweeper na si Ed Crun, 67, ang isang puting plastic bag sa paanan ng tulay.

Dinampot ni Crun ang plastic para ilagay sa garbage bag nang mapansin niya na kakaiba ang bigat nito.

Binuksan ni Crun ang plastic at tumambad sa kanya ang ulo ng fetus na lalaki ang kasarian. Ibinalot pa ng tuwalya ang fetus.

Dinala sa Funeraria Cruz ang fetus para sa safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on