WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Darna iniyakan ng aktor: LA Santos natulala, kinilig nang makaharap si Janella

Bago-bago pa lang sa showbiz si LA Santos, inamin na niyang si Janella Salvador ang bet na bet niya. At ngayon ngang halos araw-araw ay nakakasama niya sa taping ng ‘Darna’, nabago kaya ang pagtingin niya kay Valentina?

“Si Janella kasi talagang dati pa, showbiz crush ko na. Ang saya. Hahahaha!

“Tapos ngayong nagkasama na kami, sa unang araw pa lang, sabi niya, ‘balita ko crush mo raw ako?’ Hahahaha!

“Nabasa raw niya ‘yon. Hahaha! Biro ko sa kanya, suwerte mo naman. Hahahaha! Joke lang. Pero, oo, showbiz crush ko talaga siya. Wala pa ako sa showbiz, crush ko na siya.

“Na-starstruck ako sa kanya noong una kaming nagkaharap sa set. At siyempre, kinilig din talaga! Hahahaha!

“Masasabi ko talaga na mas maganda siya in person!

“Pero ngayon, parang na-develop lang talaga ang friendship namin. Para kaming magkapatid talaga. ‘Yun ang naging icebreaker namin,” sabi ni LA.

May nililigawan ba siya ngayon?

“Walang nililigawan. Tapos na! Hahahaha! Joke lang!” pabirong chika ni LA.

Pero if ever, non-showbiz ba ang gusto niya?

“Wala po akong pini-prefer kung ano, basta mamahalin lang ako!” sagot niya.

Anyway, kuwento ni LA, sobrang magkaka-close nga raw sila sa set ng ‘Darna’. Na naiiyak nga raw siya kapag iniisip na unti-unti ay natutupad ang mga pangarap niya.

“Ang maganda kasi sa amin, talagang family ang turingan namin. ‘Yung nagtutulakan paangat kaming lahat. Hindi kami naghihilahan pababa. Wala kaming nararamdaman na mas mataas si ganiyan, o mababa si ganiyan.

“Ang maganda sa ‘Darna’ mararamdaman mo na gusto talaga na palipad ang lahat. Nakakaraming cycle kami na magkakasama.

“Lalo na si Janella, sabi ko nga, she’s like a sister to me talaga!

“Kinuha nga niya akong ninong ni Jude, eh!” sabi ni LA.

Eh, si Jane naman, super chika rin ba sila?

“Very proud ako sa kanya. Kasi, nakita ko talaga kung paano niya pinaghirapan talaga ang Darna. Makikita mo si Jane, kahit tapos na ang eksena niya, pupunta pa siya sa editing, babantayan niya ang editing, para masigurado lang na maganda.

“Kahit pagod at puyat siya, nagbabantay pa rin.

“At hindi lang eksena niya ang binabantayan niya, pati mga kasama niya. Like ako, pag may hindi ako magandang eksena, sinasabihan niya ako. Kaya naa-appreciate ko talaga siya.

“Sobrang galing ni Jane. Siya talaga ang deserve na Darna!” sabi ni LA.

Nagulat at nanlaki nga ang mga mata ni LA noong una niyang nakitang naka-Darna na si Jane.

“Sobrang bagay talaga kasi. Kahit si Iza Calzado noong nakita kong naka-Darna, naiyak ako.

“Nakakakilabot kasi na makasama sila at sa napakalaking project pa. Nakakaiyak na parang ang layo na rin ng narating natin, lalo na sa ABS-CBN, na kahit nga ganun ang nangyari, angat pa rin talaga. Naiyak talaga ako!

“Kaya noong may namba-bash kay Jane, pinapatawa ko lang siya lagi. Pinapaalala ko lang sa kanya na lahat kami ay nandito para suportahan siya!” sabi na lang ni LA.

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on