WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Alden ilalantad tunay na pagkatao kay Bea

Siguradong marami ang tututok ngayong gabi sa ‘Start Up PH’ dahil sa wakas ay malalantad na rin ang tunay na pagkatao ni Alden Richards.

“Ngayong Nov. 25 na ang big reveal sa character ko as Good Boy. Ito nap o ang isa sa mga big highlights ng series, lalo na po na papalapit na po tayo sa finale,” sabi ni Alden.

Kailangan na nga kasing patunaya ni Alden (Tristan) ang pagmamahal niya kay Bea (Dani), pero may matinding challenge na naman na pagdadanan, at yon ay si Dave.

Ang tanong, maging peaceful pa rin kaya ang TrisDan date sa City Aquarium with Lola Joy?

Samantala, si Jeric Gonzales naman na karibal ni Alden sa puso ng karakter ni Bea Alonzo, hayun at panay ang libot sa iba’t ibang lugar para mamigay ng Pamasko, ha!

Ang bongga nga na nag-palengke tour siya para makasalamuha ang mga fan ng ‘Start Up PH’ at para mamigay na rin ng mga merchandise o mga regalo ng GMA7.

“Maraming salamat mga Kapuso natin sa Bonifacio Market na nakisaya sa aming tour. Solid kayo ang saya! At siyempre mga Kapuso ‘wag po natin palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa ‘Start Up PH’ gabi-gabi. Malapit na po tayo sa mas matitinding rebelasyon!” sabi naman ni Jeric. (Rb Sermino)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on