WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

6 NPA bulagta sa Samar engkuwentro

Anim na miyembro diumano ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang nasawi nang makasagupa ang mga sundalo sa Las Navas, Northern Samar Miyerkoles ng umaga, batay sa ulat ng Philippine Army nitong Huwebes.

Ayon kay Joint Task Force Storm spokesperson Captain Ryan Layug, aabot umano sa 60 miyembro ng makakaliwang grupo ang nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army, Navy at Air Force sa Barangay Imelda sa nasabing bayan.

Ang mga nakasagupa ng tropa ng gobyerno ay mga kasapi umano ng Eastern Visayas Regional Party Committee na suspek sa pag-atake sa Barangay Dorillo sa bayan ng Jipapad sa Eastern Samar noong Oktubre kung saan isang 10-anyos na batang sibilyan at dalawang sundalo ang napatay.

Bukod sa mga nasawing rebelde, pinaniniwalaang marami ding mga sugatan sa panig ng NPA dahil sa mga nakitang dugo sa lugar ng engkuwentro.

Wala naman umanong nasugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan, ayon pa kay Layug.

Samantala, nakarekober pa ang trop ng pamahalaan ng 16 na iba’t ibang armas mula sa lugar ng labanan.

Mismong mga residente na rin umano ang nagbigay ng impormasyon sa kasundaluhan hinggil sa presensya ng NPA sa kanilang lugar. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on