WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Nagkunwaring buntis, bebot nag-shoplift

MATAPOS magkunwaring buntis, arestado ang 21-anyos na babae matapos magnakaw ng ibat-ibang produkto sa isang supermarket sa Baguio City kahapon.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang suspek na si Crystal Cave, ng nasabing siyudad.

Sa ulat ng BCPO Station 7, pumasok umano si Cave sa isang supermarket at sinabing siya ay buntis kaya pinatuloy naman siya ng mga security guard.

Ngunit pagpasok sa loob ay nakita ng mga security personnel ng nasabing supermarket na nagnakaw na ang suspek ng ibat-ibang produkto na nagkakahalagang P5,645.

Matapos mabuking ang iligal na aktibidades ng nasabing bebot ay binitbit ito at dinala sa pulisya kung saan nahaharap ito sa kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on