WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

DOH gagamitin diskarte sa COVID vs AIDS

Pinoporma ng gobyerno ang pag-apruba ng medium term plan para sa magiging estratehiya kontra human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa susunod na anim na taon.

Pinangunahan nitong Miyerkoles, Nobyembre 23, ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang pagpupulong ng Philippine National AIDS Council (PNAC) kung saan siya ang chairperson, upang repasuhin ang mga estratehiya para matugunan ang patuloy na dumaraming kaso ng HIV at AIDS sa bansa.

Nabatid na kabilang sa aaprubahan ng PNAC ang 7th AIDS Medium Term Plan kung saan puntirya nito na gamitin ang mga natutunan sa pandemyang dulot ng COVID-10 para matugunan ang problema sa HIV at AIDS.

Ayon kay Vergeire, panahon naman upang bigyang atensyon ang ibang mahahalagang isyung pangkalusugan sa bansa katulad ng patuloy na paglaganap ng HIV.

Binigyang-diin ni Vergeire na dapat palakasin pa ang mga ginagawang hakbang kontra HIV at AIDS at sikaping makuha ang suporta ng iba’t ibang sektor at stakeholder para matugunan ang problemang pangkalusugan na ito.

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on