WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Titser sinibak ng iskul sa sexy post

Sinipa sa pinapasukang school ang isang guro mula sa Barranquilla, Colombia matapos maispatan ang kaniyang mga sexy pictures sa kanyang Instagram.

Kinilala ang guro na si Yeimmy Ilias Isaza, mayroon na itong 400,000 followers sa Instagram at makikita sa mga post nito ang mga maiinit nitong larawan na talaga namang agaw-pansin sa kagandahan at kaseksihan.

Inamin pa ng guro na minsan umano ay may mga estudyanteng nagmi-message o naaakit na sa kanya sa taglay nitong alindog.

Katwiran naman ng iskul, hindi umano angkop sa paaralan at sa mga estudyante ang mga larawan ng guro kaya ito ay sinibak sa trabaho.

Matapos naman ang naging mainit na usapan dahil sa pagkatanggal nito sa trabaho, lumawak pa ang follower nito na pumalo na sa 400,000.

Bukod dito’y mayroon na rin umanong bagong trabaho ang pinatalsik na titser.

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on