WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Ermat, 3 anak sapol ng kidlat

Isinugod sa ospital ang isang ginang at ang kanyang tatlong anak na babae matapos na ang mga ito ay mahagip ng matalim na kidlat habang nasa loob ng kanilang bahay sa San Andres, Quezon Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng San Andres police, alas-sais ng gabi, kakain na ng hapunan ang mag-anak kasama ang kanilang tatay nang tumama ang kidlat sa kanilang bahay sa Sitio Recudo, Brgy. Talisay.

Kinilala ang mga biktima na sina Marivic Balmoria, 43; at mga anak na sina Annarose, 19; Annabel, 18; at Annamarie, 16.

Batay sa imbestigasyon, nakaupo na ang mag-anak sa mesa nang biglang mag-brownout.

Binuksan ng mga anak ang flashlight ng kanilang cellphone na nagsilbi nilang ilaw.

Nagsasandok naman ng pagkain ang nanay nang tumama ang kidlat at mahagip ang mag-iina

Agad isinugod ang mga ito sa Rural Health Unit ng San Andres at patuloy na inoobserbahan. (Ronilo Dagos)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on