WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Hindi pa huli kay Amores

ISANG magandang simula sa ‘pagbabagong-buhay’ ang ipinakita ng napatalsik na Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers player na si John Amores nang magtungo ito sa praktis ng College of Saint Benilde (CSB) Blazers kamakalawa upang personal at sinserong humingi ng tawad.

Magdadalawang-linggo na nang sumabog sa galit at mag-amok si Amores nang sugurin ang bench ng Blazers at pagsasapakin ang apat ma manlalaro nito sa kanilang elimination game sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament.

Tinanggal na ito sa Heavy Bombers at suspendido rin sa kanyang pag-aaral.

Tuloy din ang reklamong isinampa laban dito ng dalawang Blazers player.

Ano’ng aral ang mapupulot natin dito mga ka-Benchwarmer?

Una, palaging nasa huli ang pagsisisi.

Pangalawa, walang maidudulot na mabuti ang pagiging bayolente at mainitin ang ulo lalo na sa larangan ng sport na pisikalan ang labanan.

Pangatlo, kung minsan, tuturuan tayo ng leksiyon sa buhay sa masalimuot na paraan.

Ito ang kinakaharap ni Amores sa ngayon. Dapat niyang pagdusahan ang bunga ng kanyang ginawa.

Masakit na aral, pero dapat niyang pagdaanan.

Hindi pa huli ang lahat sa iyo Amores, nagkamali ka ngayon, pero alam ko na nagsisimula ka nang matuto.

Ipagpatoy mo lang iyan, ang tao, kahit nagawan mo ng hindi maganda, palaging may malambot na puso para magpatawad.

Ipakita mo lang ang sinsero mong pagsisisi na may pangakong hindi na ito mauulit.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on