WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Haybol tinangay ng flashflood sa Davao, kelot dedo

Patay sa pagkalunod ang isang lalaki nang tangayin ng rumaragasang tubig ang kanyang barong-barong na nakatirik sa gilid ng ilog matapos magkaroon ng flashflood sa Malalag, Davao del Sur Huwebes ng umaga.

Kamakalawa na ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima na nakilalang si Alex Zamora Abuela, walang trabaho at residente ng Purok 2, Barangay Ibo sa nasabing bayan.

Sa ulat ni Police Senior Master Sergeant Rodina Gamido, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa lugar dahil sa namumuong low pressure area.

Halos wala umanong tigil ang pag-ulan dahilan upang tumaas ang tubig sa ilog hanggang sa magkaroon ng flashflood at tinangay ang bahay ng biktima na ilang metro lang ang layo sa tabi ng ilog.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Sitio Lusak, Barangay Bosto matapos humupa ang baha kinabukasan. Nagtamo ang biktima ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang sanhi ng paghampas nito habang inaanod ng baha.

Nagkaroon din ng mga pagbaha at landslide sa iba’t ibang lugar ng Malalag pero inaalam pa kung mayroong ibang nasawi o nasugatan. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on