WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Terorista bulagta sa engkuwentro, 3 nakapuga

Patay ang isang miyembro ng communist terrorist group (CTG) habang dalawang baril, mga magazine, bala at granada ang nakumpiska sa naganap na engkuwentro kamakalawa sa Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang napatay na si Caesar Groyon Jr., alyas Poloy, 50. Nagawa namang makatakas ng kasamahan nito na sina Florencio y San Juan a.k.a. “Ivan”, Fernando Dialogo at Rommel Hapa, pawang miyembro ng L1, KP3, BRPC, isang CTG na nag-ooperate sa nasabing lalawigan.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, naganap ang engkwentro alas- 10:32 ng umaga sa Barangay Tigbao.

Magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Regional Special Operating Unit (RSOU) AT Casiguran MPS laban sa mga nabanggit na suspek sa kasong murder na inilabas ni Judge Charlie Romano ng Regional Trial Court (RTC) Branch 52 ng Sorsogon City, sa Barangay Tigbao ng bayang ito.

Subalit hindi pa nakakalapit ang pulisya ay sinalubong na sila ng mga putok ng baril dahilan upang gumanti ang mga ito.

Nasapul si Groyon na agad nitong ikinamatay.P atuloy namang pinaghahanap ang tumakas nitong kasamahan. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on