WebClick Tracer

Sunday, November 27, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

6-anyos iniwan sa bahay, nasunog

PATAY ang isang anim na taong gulang na batang babae na mag-isang natutulog sa bahay sa naganap na sunog sa Barangay Lagao, General Santos City.

Ayon sa ulat, Huwebes ng madaling -araw nang maganap ang sunog makaraang maiwang mag-isa ang bata na natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na umalis ng maaga ang mga magulang nito para mamili sa palengke.

Pero pagbalik nila, laking-gulat ng mga ito nang salubungin sila ng mga kapitbahay dahil nasusunog ang kanilang bahay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa sanhi ng sunog. (Kiko Cueto)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on