WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Shabu hinalo sa kimchi, bistado

Bigo ang isang South Korean na makabatak kahit nakakulong matapos mabisto ang apat na gramong shabu sa pakete ng kimchi na ipapasok sana sa detention center ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon kay BI detention facility officer-in-charge chief Adolfo Marasigan, nagduda ang kanilang mga ahente sa laman ng pakete ng mga pagkain nang ipilit ng detenidong si Yang Heejun, 41-anyos, na dalhin agad ito sa kanyang selda kahit hindi pa nasusuri.

Hindi nagmintis ang hinala ng mga ahente nang mabisto nila ang apat na gramo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa plastic at nakasiksik sa kimchi, kahalo ng iba pang pagkaing Korean.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na dinakip si Yang sa Angeles City noong Abril 18 dahil sa pagnanakaw umano ng 14.15 million Korean won bukod pa sa wanted ito sa kasong pandarambong at pagwasak sa ari-arian sa kanilang bansa.

Samantala, kakasuhan si Yang ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kapag napatunayan itong guilty, kailangan muna niyang pagdusahan ang parusang pagkakabilanggo sa Pilipinas bago siya ipatapon pabalik sa South Korea.

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on