WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

PBBM sapaw kay VP Sara sa trust, approval rating

Dinaig ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2022 Pahayag third quarter survey ng Publicus Asia Inc.

Ayon sa survey na ginawa noong Setyembre 16-20 sakop ang 1,500 na tao, si Duterte ang may pinakamataas na approval rating sa mga opisyal ng gobyerno na pumalo sa 76%.

Pangalawa naman si Pangulong Marcos sa may pinakamataas na approval rating na nasa 71%.

Bukod kina Duterte at Marcos Jr., tatlo pang opisyal ng gobyerno ang nakakuha ng mataas na approval rating at kabilang dito sina Senate President Juan Miguel Zubiri (62%), House Speaker Ferdinand Romualdez (54%), at Chief Justice Alexander Gesmundo (51%).

Sabi ng survey, iba naman ang usapin ng tiwala o trust rating sa approval rating.

Ayon sa survey, si Duterte pa rin ang may pinakamataas na trust rating sa mga opisyal ng pamahalaan na nasa 74% habang pangalawa lamang si Pangulong Marcos na nakakuha ng 70%.

Pangatlo rin si Zubiri pagdating sa trust rating na nasa 47%, pang-apat si Romualdez (45%), at panglima si Chief Justice Gesmundo na may 42%.

Ayon pa sa survey, malaki ang itinaas ng trust rating ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan na ngayon ni VP Sara.

Limang puntos ang inakyat ng trust rating ng DepEd na umabot sa 55% mula sa 50% at maaaring may kinalaman dito ang pagtatalaga sa kagawaran kay VP Sara.

Umakyat din ng 10 puntos ang approval rating ng DepEd na nasa 63% na ngayon mula sa 53% noong 2nd quarter. (Eileen Mencias)

This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on