WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Kai Sotto, Adelaide ‘masaker’ sa OKC

NAGKASYA lamang si Kai Zachary Sotto sa apat na rebounds sa loob ng siyam na minutong paglalaro sa Adelaide 36ers matapos na durugin ng Oklahoma City Thunder, 98-131, sa NBLxNBA exhibition games Biyernes ng umaga sa Maynila sa Paycom Center.

Hindi naipasok ng 7-foot-3 na si Sotto ang kanyang tatlong attempt sa naging pisikalan na laro na nagtulak sa 36ers para hatiin sa isang panalo at isang talo ang kanilang pagsasanay sa Estados Unidos.

Agad na umatake ang Oklahoma City sa pagbuhos ng 27-9 bomba at hindi na nilingon pa ang dumayong Adelaide para ipalasap ang 33-point massacre.

Itinala pa nito ang pinakamalaking 39 puntos na abante mula sa field goal ni Lindy Waters III sa 106-67 sa ikatong yugto.

Pinamunuan ni Tre Mann ang Thunder sa 26 puntos sa 8-of-10 shooting sa tres, habang lima pa ang umiskor sa double figure sa home team.

Nagtala din si Josh Giddey ng 10 puntoos na mula sa tatlong tres, kasama ang anim na assists at limang rebounds kontra sa dati nitong koponan.

Una munang tinalo ng Adelaide ang Phoenix Suns, 134-124, noong Lunes. (Lito Oredo)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on